Sa paglalaro ng isang MMORPG (Multi-Massive Online Role Playing Game), ang pakikipag-party ang isa sa mga pinakamakatutulong sa iyo upang madaling makamit ang mga hinahangad. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod para sa Ragnarok Online:
- Mas mapapadali ang pagle-level-up. Team work ba.
- Magkakaroon ka ng maraming kaibigan.
- Pwede mong paki-usapan ang iyong mga party na sa iyo na lang ang items na ida-drop ng monsters. Poor ka eh, anong magagawa nila.
- May libre kang buffs mula sa mga Acos.
- Sa oras ng kagipitan, maaari kang umutang sa kanila. :D
- At marami pang iba.
Ngunit, sa muli kong paglalaro nito, ay umiral na naman ang aking pagiging mahiyain at snob (slight lang). Soloista kasi ako. Kasalukuyan kong pinapa-level ang aking Swordsman para maging isang Paladin kaya naman ayos pa ito para makipagsapalaran mag-isa. Sa totoo lang, ang una ko talagang plano ay gumawa ng isang full support High Priest. Sa kasamaang palad, magiging effective ba ito sa akin, kung saan ako’y isang malaking hangal?
Kani-kanina lang, mula sa Izlude Dungeon/Byalan Island 03 pabalik sa Izlude ay may nakasabay akong isang Swordsman na nagngangalang David DeAngelo (isang Thief ang gamit ko sa oras na ito). Nauuna siya sa akin at panay ang paggamit niya ng mga emoticons na /tounge (nang-aasar ba. :P). Hanggang malapit na kami sa exit ng dungeon, sumitsit siya sa akin.
David DeAngelo: psst
Kyon-sama: …
Nagdadalawang isip ako kung sasagot ako. Wala namang mangyayari kung sasagot ako–pero sumagot pa rin ako dahil baka isipin niyang nagbo-bot lang ako. Haha. Napaparanoid lang ako sa ganyang bagay.
Kyon-sama: yo.
End of story.
Ah basta, sa susunod na maglalaro ulit ako, makikipag-party na talaga ako! :D
Bottom line: Makipag-usap, at huwag maging hangal.